Sunday , December 22 2024

Balik Probinsiya implementer pinaalalahanan (Sa 2 beneficiaries na positibo sa COVID-19)

GAMPANAN nang wasto ang responsibilidad sa Balik Probinsya, Balik Pag-asa Program (BP2) upang maibsan ang kalbaryo ng mga mamamayan sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Panawagan ito nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Sen. Christopher “Bong” Go  kasunod ng ulat na dalawang umuwi sa Leyte mula sa Metro Manila sa pamamagitan ng BP2 ay nagpositibo sa COVID-19 matapos sumailalim sa swabbing test pagdating sa mga bayan ng Tanauan at Baybay.

“As Chair of the Senate Committee on Health and as the proponent of the Balik Probinsya, Bagong Pag-asa Program, I am urging concerned agencies involved in the BP2 program to help fellow Filipinos who wish to relocate to their home provinces, provided that necessary health protocols are followed and proper coordination with the receiving LGUs are conducted during the implementation,” ayon sa kalatas ni Go na ipinadala sa HATAW kahapon.

Paliwanag ni Go, sa inilunsad na pilot roll-out program noong 20 Mayo 2020, sinabi ni National Housing Authority (NHA) general manager Jun Escalada na napili ng BP2 Council ang Leyte dahil tiniyak ng mga opisyal ng lalawigan ang kanilang kahandaan na suportahan ang mga magbabalik sa kanilang mga residente mula sa Metro Manila bunsod ng kapabilidad

“to test, detect, isolate and treat anyone suspected or later confirmed of having COVID-19.”

“Sinabi rin po niya na lahat ng mga beneficiaries na umalis noong May 20 pauwi ng Leyte ay nakapag-comply naman sa required health certification mula sa LGU at DOH. Pero dahil rin sa kaibahan ng sakit na COVID-19, hindi natin nakikita ang kalaban. Kahit ‘yung mga nag-negative sa test, puwedeng maging positive pagkatapos ng ilang araw. No one can really tell. This is why it is important that health protocols are followed and LGUs, as well as health facilities nationwide, are able to enhance their capabilities to test, trace and treat patients with COVID-19,” giit ni Go.

Sinabi ni Medialdea, may kanya-kanyang obligasyon ang mga ahensiya ng pamahalaan kasama ang protocols sa pag-alis sa Kalakhang Maynila at pagdating sa lalawigan ng mga lumahok sa BP2 Program.

“Just to underscore, the Council has  been careful in ensuring that returnees under the Balik Probinsya program undergo the protocols  from departure to the arrival phase, whether through the member-agencies or in coordination with the LGUs,” ani Medialdea.

Nanawagan sina Medialdea at Go sa publiko na suportahan ang lahat ng pagsusumikap  para makaigpaw mula sa krisis at ayudahan ang adbokasiya ng administrasyon na magkaroon ng  magandang buhay sa mga lalawigan matapos ng pandemya. (ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *