Thursday , December 26 2024
electricity meralco

Bayan Muna sa ERC: Meralco’s monopoly putulin

NANAWAGAN sina House Deputy Minority leader and Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna chairman Neri Colmenares na putulin na ang monopolyo ng Meralco, matapos atasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang kompanya na magsagawa ng “actual meter reading.”

“Many of us suffered electric bill shock when we received our electric bills recently.  The order of ERC requiring Meralco to conduct actual meter reading before issuing electric bills is certainly welcome. This practically orders Meralco to withdraw their shockingly high bills that led to public protests. This is the result of the continuing vigilance and protest of consumers,” ayon kay Colmenares.

Binigyang diin ni Colmenares, kailangan ibalik o i-refund ng Meralco sa kanilang konsumer na nakapagbayad na ng kanilang napakataas na ‘electricity bill’ bagamat hindi dumaan  sa ‘actual meter reading.’

“Should Meralco be found to have committed market power abuse or overcharging we ask that ERC should impose fines or price control on Meralco under Section 1 [f] of the ERC “Guidelines to Govern Imposition of Administrative Sanctions” pursuant to Section 46 of EPIRA.  Whatever fines imposed must be paid by Meralco back to its customers for the damage it has caused on consumers,” giit ni Colmenares.

Ayon naman kay Rep. Zarate, ang pagiging  monopolyo ng Meralco ang dahilan ng problema kaya ang 6.9 milyong konsumer ay napipilitang ipagpatuloy ang kanilang pagtangkilik sa kabila ng maraming isyu ng paglabag ng kompanya.

“Meralco has incurred the public ire on many occasions such has its bill shock in 2013 during the Malampaya shutdown, its collection of billions in Bill Deposit payments from consumers and now this latest “electric bill shock” fiasco, but we are forced to continue having Meralco as our service provider,” anang mambabatas.

Giit ni Zarate, ang pagsasapribado sa sektor ng enerhiya sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) ang ugat ng suliranin imbes ang gobyerno ang dapat na nagkokontrol at nagmamay-ari ng public utilities gaya ng electricity distribution.

Kasabay nito, hinamon ng Bayan Muna ang mga opisyal ng ERC at Department of Energy (DOE) na simulan na ang proseso para sa pagputol ng monopolyo ng Meralco, dahil labis nang nagdurusa ang publiko sa sobrang taas ng paniningil ng kompanya at pagdaragdag pa sa kanilang bills ng mga kuwestiyonableng dagdag na bayarin.

“Congress should make the repeal of EPIRA and the nationalization of the industry as a priority as well. We hope, too, for the Supreme Court to already rule on our petition for the implementation of the Retail Competition Open Access or RCOA, which at least allows competition and gives the people the opportunity to choose their distribution utility instead of being tied up with Meralco forever. Pending the repeal of EPIRA and the charting of a new energy framework, at least the people will no longer suffer under the Meralco monopoly but will have a choice and the power to punish Meralco by changing service provider,” apela ng Deputy Minority leader.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *