Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

COVID-19 patient sa Davao, tumakas sa quarantine  

KINOMPIRMA ngayong Lunes, 11 Mayo, ni Davao City Mayor Sara Duterte na tumakas mula sa quarantine facility ang isang babaeng pasyenteng nagpositibo sa  COVID-19 noong Sabado, 9 Mayo.

 

Tumangging pangalanan ni Duterte ang pasyente ngunit sinabi niyang residente ang pasyente ng Barangay 23-C, isa sa mga COVID-19 hot spots sa lungsod.

 

Sumugod ang mga lokal na awtoridad sa naturang barangay upang puntahan ang bahay ng pasyente ngunit bigo silang makita.

 

Dagdag ng alkalde, may mga ulat na nagtangka rin ang ilang pasyente na tumakas mula sa mga pasilidad.

 

Saad ng lokal na pamahalaan, ibinibigay nila sa mga pasyente ang lahat ng kanilang pangangailangan upang maseguro ang ginhawa at kooperasyon.

 

Ayon kay Duterte, maaaring isa sa dahilan ng pagtakas ng pasyente ang kagustohang makita muli ang kaniyang pamilya.

 

Dahil dito, nagdagdag ng karagdagang seguridad sa mga naturang pasilidad.

 

Sa pinakahuling tala ng Department of Health, 159 ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Davao na hindi bababa sa 20 ang pumanaw.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …