Thursday , December 26 2024

Dahil sa COVID-19… Pampanga health chief pumanaw na

BINAWIAN ng buhay si Dr. Marcelo Jaochico, health chief ng lalawigan ng Pampanga at dating nagsilbing manggagamot sa mga rural communities, noong Martes, 24 Marso, matapos ang kaniyang pakikipaglaban sa coronavirus (COVID-19).

Ayan sa anak ni Dr. Jauchico na si Cielo, sa kabila ng pagpanaw ng kaniyang ama, nagpapasalamat siya na natanggap nila ang resulta ng mga pagsusuri bago siya binawian ng buhay.

Nabatid sa Facebook post ni Cielo na si Dr. Jaochico ang kaunaunahang Most Outstanding Awardee ng Doctor to the Barrios.

Aniya, “You deserve better than this. When you speak of him, please speak only of good words. Please do not remember him as someone who just died because of COVID-19. Sobrang dami niyang ginawa para sa bayan. You will never be prepared for your parent’s death. Dad, you didn’t deserve to die alone, nang ‘di naririnig gaano ka kahalaga sa amin at gaano ka namin kamahal… uuwi ka ritong nasa kabaong na.”

Dagdag ni Cielo, ike-cremate ang katawan ni Dr. Jaochico alinsunod sa protocol ng mga awtoridad ukol sa mga namamatay na pasyente ng COVID-19.

Bukod kay Dr. Jauchico, nauna nang binawian ng buhay ang mga manggagamot dahil sa COVID-19 na sina Dr. Raul Jara, cardiologist at internist; Dr. Israel Bactol, batang cardiologist, kapwa mula sa Philippine Heart Center; Gregorio Macasaet III, anesthesiologist mula Manila Doctors Hospital; at Dr. Rose Pulido, oncologist mula San Juan de Dios Hospital.

Dumaranas ng krisis pangkalusugan ngayon ang mga medical workers dahil sa pandemiko.

Sa Medical City, 137 sa kanilang healthcare at frontline workers ang naka-quarantine.

Sa UST Hospital, na-quarantine din ang higit sa 500 miyembro ng staff ng pagamutan dahil sa posibleng coronavirus infection.

Inianunsiyo rin ng ilang pangunahing pagamutan sa Metro Manila na hindi na nila maa-accommodate ang mga panibagong pasyente ng COVID-19 dahil puno na ang kanilang mga pasilidad.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *