Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
SUMABIT sa kawad ng koryente ang bumagsak na helicopter sa San Pedro City, lalawigan ng Laguna na sinasakyan nina PNP chief Gen. Archie Gamboa, iniulat na nasa ligtas nang kalagayan habang ang dalawang heneral sa pitong opisyal ay nanatiling nasa kritikal na kondisyon na agad isinugod sa ospital kahapon ng umaga. (ERIC JAYSON DREW)

Espekulasyon sa chopper crash itigil — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na iwasan gumawa ng mga espekulasyon kaugnay sa pagbagsak ng helicopter na lulan ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kahapon sa San Pedro, Laguna.

“We ask the public to refrain from making speculations relative to the circumstances as we wait for the official results of the probe on the incident,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa isang kalatas.

Imino-monitor aniya ng Palasyo ang mga kaganapan hinggil sa naturang insidente, ikinalugod na ligtas si PNP chief Gen. Archie Gamboa at nananalangin sa mabilis na paggaling ng mga kasama niya sa chopper.

Batay aniya sa inisyal na mga ulat, ang insiden­te ay dulot ng pagdikit ng chopper sa isang high-tension wire dahil sa poor visibility.

Kasama ni Gamboa sa bumagsak na chopper sina Maj. Gen. Jose Ma. Victor Ramos, Director of Comptrollership, at Maj. Gen. Mariel Magaway, Director of Intelligence, BGen. Bernard Banac, PNP Spokesperson, P/Capt. Kevin Gayrama, aide-de-camp ng PNP Chief, at P/SMSgt. Louie Estona.

Sina PNP Col. Zalatar ang pilot habang si Lt. Col. Macawili ang kanyang co-pilot.

 (ROSE NOVENARIO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …