Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun police

Diakono ng INC itinumba sa kapilya

BINAWIAN ng buhay ang isang diakono ng Iglesia Ni Cristo matapos tambangan at pagbabarilin ng dalawang magkaangkas na armadong suspek sa harap ng kapilya kamakalawa ng gabi, 4 Marso, sa bayan ng Guagua, sa lalawigan ng Pampanga.

Mariing kinondena ng mga kapatiran sa pana­namp­alataya ng INC ang pagpaslang sa biktimang kinilalang si Allan Sta. Rita, isang pribadong kontratista, at diakono ng INC, nakatira sa Barangay Paguiruan, sa bayan ng Floridablanca, sa naturang lalawigan.

Batay sa imbestigasyon ng Guagua Municipal Police station, dakong 8:00 pm nitong Miyerkoles nang maitawag sa kanilang himpilan ang insidente ng pananambang sa Barangay Ascomo, sa bayan ng Guagua.

Dumalo sa isang pagpu­pulong sa kanilang kapilya sa nasabing lugar ang biktima.

Lumabas ng kapilya si Sta. Rita para kausapin ang tumatawag sa kanyang cellphone pero hindi napuna ang mga suspek na nag­hihintay sa kanya.

Bumunot ng baril ang gunman at malapitang pinaputukan sa ulo at ibang parte ng katawan ang bikti­ma na agad niyang iki­namatay.

Ayon sa ibang naka­kikilala sa biktima, wala umanong nakaaway si Sta. Rita at maaaring may kaug­nayan ang krimen sa kan­yang pagiging kontraktor.

Kasalukuyang iniipon ng mga awtoridad ang mga ebidensiya at tinitingnan ang lahat ng mga kuha sa CCTV na maaaring dinaanan ng mga suspek sa pagtakas habang iniimbestigahan ang lahat ng mga anggulo upang matukoy ang tunay na motibo at utak sa paglikida sa biktima. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …