Monday , December 23 2024
Rice Farmer Bigas palay

Bagsak-presyong bigas asahan — NEDA

INAASAHANG babagsak ang presyo ng bigas sa P34 hanggang P35 kada kilom sa ikalawang taon na pag-iral ng Rice Tariffication Law.

Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercy Sombilla sa press briefing sa Palasyo kaha­pon.

Ang kasalukuyan ani­yang presyo ng bigas na P36 kada kilo ay mas maba­ba sa target na P37, at pinakamababa mula noong 2014.

Mas mababa rin aniya ito ng 12.3 porsiyento sa naitalang P41.63 kada kilo noong Disyembre 2019.

“It’s now even dropping at a lower price. It exceeded pa and we hope that it will still go a little bit lower para mas marami pang makina­bang,” dagdag niya.

Umaasa aniya ang P10-billion Rice Competitiveness Enhance Fund (RCEF) ay makatutulong upang lalo pang lumaki ang ani at magpapababa sa presyo ng bigas.

Batay sa ulat ng Department of Agriculture, may 491,756 magsasaka ang nakinabang sa RCEF mula noong Oktubre 2019.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *