INILUNSAD ng lungsod ng Taguig ang mas komprehensibo at mas pina-angat na scholarship program bilang pagkilala sa importansiya ng edukasyon sa mga kabataan.
Sa special session nitong Biyernes, 28 Pebrero 2020, inaprobahan ng Sangguniang Panlungsod ang Ordinance No. 6, Series of 2020 na may layuning ipagpatuloy ang mga kasalukuyang programa ng Taguig gaya ng pagbibigay suporta sa 55,000 scholars sa kolehiyo at 10,000 sa high school.
Bukod sa umiiral na scholarship programs, magdadagdag ng apat na bagong scholarship pack-ages para sa mga atleta, mga estudyante sa ilang piling larangan, at sa public servants at kanilang mga pamilya o dependent.
Una sa mga bagong offerings ang Advancing Sports’ Competitiveness and Excellence (ASC Excellence) Scholarship Program na nakapokus sa Taguig youth athletes.
Ang mga varsity player sa mga kolehiyo at unibersidad at piling public high schools ay bibigyan ng supplementary allowances. Ang makakukuha ng medal finishes at iba pang mga pagkilala ay bibigyan ng incentives.
Layuning ng bagong programa ang magbigay ng full scholarship sa mga estudyante na kumukuha ng kursong medisina, engineering at sa iba pang larang ngunit mayroon itong return service agreement sa siyudad.
Sa ilalim ng programa, magbibigay ng free tuition at miscellaneous fees, book allowance, living and transportation allowance at merit incentives.
Ang isang scholarship program ay para sa Taguig public servants. Eligible sa nasabing scholarship ang mga nagsisilbi sa lokal na pamahalaan.
Prayoridad nito ang specialized at short-term courses na ino-offer ng mga bansa na may embahada at consular offices sa Taguig, ngunit para sa locally-offered courses at graduate studies.
Ang isa pang bagong scholarship grant ay para sa mga anak o dependents ng public servants sa Taguig (sa mga nagsisilbi sa siyudad at maging sa mga taga-national government agencies na nakatalaga sa Taguig kagaya ng PNP, BJMP, DepEd at BFP).
Lahat ng regular college students simula unang semestre ng SY 2020-21 sa Taguig City University ay magiging scholar ng lokal na pamahalaan ng Taguig at pagkakalooban rin ng allowance.
Ipagpapatuloy ng Taguig ang pagbibigay sa lahat ng graduates ng public high schools ng P15,000 scholarship vouchers upang himuking kumuha ng post-secondary education at gamitin ang scholarship offerings ng lungsod.
Sa bagong ordinansa, ang Lifeline Assistance for Neighbors In-need Scholarship Program ay mananatili kasama ang iba pang long-time schemes City Educational Assistance Allowance for Taguig City University Scholars at ang Taguig Learners’ Certificate Scholarship Program.
Nagbibigay ng allowances at incentives mula P5,000 hanggang P100,000 kada taon sa ilalim ng pitong scholarship schemes.
“Patunay ang naamyendahang ordinansa na patuloy ang ating pagkilala sa dalawang central values ng Taguig City: education and inclusion,” saad ni Mayor Lino Cayetano.
“Education empowers people upang makamit ang pangarap nila. At dahil ayaw natin na may naiiwan sa pag-unlad ng siyudad, sinisi-gurado natin na mayroon tayong epektibong programa para sa edukasyon sa ating mga kababayan.”
Tinatayang 55,000 indibiduwal ang magiging beneficiaries g programa na halos 9,000 high school students, lagpas 45,000 students sa technical vocational, college at post-graduate studies, kasama na ang 6,500 TCU students.
Check Also
Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …
Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE
ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …
Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON
NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …
Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center
Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …
Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila
NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …