Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

OFWs mula HK, Macau maaari nang bumiyahe

PUWEDE nang bumi­yahe papunta at pabalik ng Hong Kong at Macau ang overseas Filipino workers (OFWs).

Ito ay dahil partially lifted na ang travel ban na ipinatupad noon ng Filipinas sa Hong Kong at Macau dahil sa coronavirus disease o COVID-19.Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kina­kailangang lumagda ng deklarasyon ang mga OFW na nagsasaad na batid nila ang panganib sa pagbalik sa kanilang trabaho sa Hong Kong at Macau.

Maaari na rin aniyang pumunta sa Macau at Hong Kong o umuwi sa bansa ang pamilya ng mga Filipino maging ang mga holder ng permanent visa.

Sakop na rin ng partial lifting ng travel ban ang mga miyembro ng diplomatic corps.

Sinabi ni Panelo, ang paulit-ulit na hiling ng OFWs na alisin ang travel ban ang maaaring naging basehan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATFMEID) para bahagyang alisin ang travel ban.

Wala aniyang dapat na ipag-alala ang OFWs sa pipirmahang dekla­rasyon dahil tutu­lungan pa rin sila ng gobyerno sakaling maa­pektohan ng COVID-19.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …