Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
INIHARAP ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang limang suspek na isinuko ng mga magulang nang ipatawag ng alkalde nang mag-viral ang pambu-bully at pagsunog nila sa nagpapahingang vendor ng lobo malapit sa barangay hall ng Barangay 842 sa Pandacan, Maynila. (BONG SON)

5 suspek na ‘sumunog’ sa vendor ng lobo sumuko

MATAPOS manawagan ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sumuko ang mga kaba­taang ‘sumunog’ sa vendor ng lobo, personal na nagtungo sa tangga­pan ng alkalde ang li­mang suspek kasama ang kanilang mga magulang sa Manila City Hall kahapon.

Iniharap ni Mayor Isko sa media ang mga suspek kabilang ang apat na menor de edad gayun­din si Dranreb Colon, 18, ng Ilang-ilang St., Panda­can, Maynila.

Ang suspek na si Ivan Matimatico, 19, ng 1366 Interior Burgos St., Paco, Maynila, ay nakatakdang isuko ng kanyang ama habang pinaghahanap ang isang suspek na kinilalang isang alyas Axel.

Miyembro ang mga nasabing suspek ng True Life Gangsta, pawang may marka ng paso sa kanilang kanang kamay.

Ang dalawang sus­pek na nasa wastong gulang, ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act, at Article 155 ng Revised Penal Code o Alarms and Scandal.

Habang ang mga menor de edad na mapa­pa­tunayang may sala, ay dadalhin sa kustodiya ng Manila Youth Recreational Center (MYRC) na nasa ilalim ng Manila Social Welfare and Development.

Nanawagan ang alkalde sa netizens par­tikular ang mga nag­babanta sa mga inares­tong kabataan na huwag nilang ilagay sa kanilang mga kamay ang hustisya na dapat makamit ng vendor ng lobo na si Oliver Rosales.

“Ang mali ay hindi maitatama ng isa pang pagkakamali,” ani Mayor Isko.

Pinaalalahanan ni Isko ang mga kabataan na walang idudulot na maganda sa kanilang buhay ang pagsali sa gang, sa halip ay maaari pa silang mapahamak dito.

Napag-alaman kay Mayor Isko, nagkaroon ng kasunduan na magbibi­gay ang mga suspek ng kontribusyon para sa pagpapagamot ng bik­tima na halagang P5,000 bawat isa ngunit tig-P2,500 pa lamang ang naibabayad ng mga suspek.

Matatandaan, nitong nakaraang 12 Pebrero dakong 4:00 pm sa Brgy. 842 sa Pandacan, napag­tripan ng mga suspek na sindihan ang isa sa mga lobong itinitinda ni Rosales na nagresulta sa pagkasunog ng lahat ng lobo at pagkalapnos ng ilang bahagi ng katawan ng biktima.

Kumalat sa social media ang naturang pangyayari. (VV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …