Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NANUMPA sina Immigration Legal Dep’t head Arvin Santos, Immigration Deputy Commissioner Tobias Javier, Immigration Intelligence Division head Fortunato Manahan at Immigration Port Operation head Grifton Medina sa pagdinig sa senado tungkol sa sex trafficking at ‘pastillas’ ops kahapon. (MANNY MARCELO)

Sen. Hontiveros duda sa sagot na ‘walang alam’ sa ‘Pastillas’ ops (BI officials sa human trafficking)

DUDA si Senadora Risa Hontiveros Chair ng Senate Committee on Women & Children Family Relations and Gender Equality sa naging sagot ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa pagdinig ng senado ukol sa laganap na prostitusyon sangkot ang mga Chinese national.

Sa naturang pagdinig, itinanggi ni BI Port Operations Division head Grifton Medina na alam niya ang ibinulgar ni Hontiveros na ‘Pastillas operation’ sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ipinakita ni Hontiveros ang isang video na hiwalay na ipinoproseso ng immigration officials sa NAIA ang pagpasok ng mga Chinese national.

Ipinapakita rin sa video na ini-escort ng immigration officials ang pagpasok ng mga Chinese national na tila VIP ang dating kapalit ng pera; at ang screen shot ng viber group’s chat  na naka­sulat ang mga pangalan at larawan ng mga Chinese national na bibigyan ng VIP treatment kasama ang kanilang flight details.

Inamin ni Medina, kilala niya ang naturang lalaki sa video ngunit iginiit ng opisyal na hindi niya alam na may ‘Pastillas operation’ sa paliparan na pinalulusot ang mga Chinese national sa immigration kapalit ng P10,000 kada ulo.

Matapos ang imbes­tigasyon, sinabi sa panayam ni Hontiveros ang kanyang pagdudu­da sa mga naging pahayag ni Medina at ng ilang opisyal ng immigration na wala silang kinalaman sa ilegal na operasyon kapalit ng pagpapalusot ng mga Chinese national sa ilalim ng “visa upon arrival” scheme ngunit kalaunan umano ay nasasangkot na sa prostitusyon at ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …