Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN congress kamara

ABS-CBN franchise ma-expired man… Operasyon ng Lopez TV network tuloy pa rin

PINAWI ni Senador Christopher “Bong” Go ang pangamba ng mga empleyado ng ABS-CBN matapos sabihin na maa­ari pa rin mag-operate ang naturang television network kahit paso na ang prankisa nito.

Ayon kay Go sa 5 May 2020, mapapaso ang prankisa ng ABS-CBN, 45 araw matapos ang expiration date sa 30 March 2020.

Ipinaliwanag ni Go, sakaling hindi mai-renew ang prankisa ng TV network dahil hindi inaksiyonan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, maaari naman humingi ng temporary permit to operate ang naturang kompanya sa National Telecommunicatiom Corporations ( NTC).

Nauna nang sinabi kahapon ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang dating Chairman ng Public Services Committee noong 10th Congress, maaaring mag-operate ang ABS-CBN hanggang matapos ang 18th Congress sa 2022 kung hindi ito aaksiyonan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kaugnay nito, nanin­digan si Go na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa pag­ha­hain ng quo warranto petition ni Solicitor General Jose Calida para ipawalang bisa ang prankisa ng ABS-CBN.

(CYNTHIA MARTIN)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …