Thursday , December 26 2024

Kontrata ‘fruitful, beneficial’… 50k trabaho sa Ayala-UP partnership

LIBO-LIBONG trabaho ang nilikha ng kontrata ng Ayala Land Inc. (ALI) sa University of the Philip­pines (UP) para sa Techno­hub complex sa Diliman.

Ayon sa ALI, mag­mula nang simulan ang operasyon noong 2008, ang ALI-UP partnership ay nakapagbigay ng 50,000 trabaho.

Kasabay nito, inilinaw ng kompanya, sa ilalim ng kanilang development lease agreement sa UP para sa Technohub pro­perty, ang premier state university ay tatanggap ng P171 per square meter kada buwan.

Mas mataas ito sa P22-per square meter kada buwan sa loob ng 25 taon na lumabas sa ilang online report na nabasa ni presidential spokesperson at chief legal counsel Salvador Panelo.

“This was derived from P4.23 billion in lease payments and P6 billion investment in 16 com­mercial buildings for a total amount of P10.23 billion over the life of the 25-year contract,” pahayag ng ALI.

Sa kabuuang lease payments, nasa P1.1 bilyon ang tinatayang pumasok mula 2008 hanggang 2018 habang P3.13 bilyon ang papasok mula 2019 hanggang 2033.

Ayon sa kompanya, sa 37-hectare property, 20 ektarya ang sakop ng technohub habang ang apat na ektarya ay nanatili sa UP at ang 13 ektarya ay open space.

Bukod dito, sinabi ng ALI na kapag natapos na ang kontrata sa 2033, mapupunta sa UP bilang may-ari ng lupa ang 100 porsiyento ng upa ng gusali.

“After 2033, UP as owner, will receive 100% of the buildings’ rent. UP also continues to own the land which has appre­ciated in value since the start of the partnership,” pahayag ng kompanya.

“We believe this development has been fruitful and beneficial for UP, ALI and the com­munity,” dagdag ng ALI, “We welcome a transparent review and assessment of our partnership with UP.”

Nabatid na ang Ayala ang nakakuha ng lease contract sa UP noong 2006 matapos makatu­gon ang kompanya sa bid invitation at negotiated proposal na itinakda ng UP laban sa siyam na iba pang real estate developer.

“Only ALI submitted a proposal and commit­ted to meet the very specific parameters set out by UP – a campus-type develop­ment with a minimum of 10, three to four storey buildings catering to IT com­panies,” paliwanag ng ALI.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *