Monday , December 23 2024

Kontratang UP-Zobel de Ayala binubusisi na ng Palasyo

BINUBUSISI na rin ngayon ng Palasyo ang isa pang kontrata na pinasok ng negosyanteng si Fernando Zobel de Ayala sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, iimbestigahan na ang kontrata ng mga Ayala sa University of the Philippines Ayala Land Technohub sa Quezon City.

Ayon kay Panelo, napag-alaman niya na umuupa lamang si Ayala ng P20 kada square meter sa UP sa loob ng 25 taon.

Ayon kay Panelo, kapag nagkatotoo ang ulat, tiyak na malaki na naman ang problema ni Ayala.

Sinabi ni Panelo na hindi lamang ang UP Ayala Land Technohub ang iniimbestigahan ngayon ng Palasyo kundi maging ang iba pang maanomalyang kontrata.

Matatandaang pinag­ban­taan ni Pangulong Duterte si Ayala na may-ari ng Manila Water company at negosyanteng si Manny Pangilinan na may-ari naman ng Maynilad dahil sa tagilid na kontrata sa tubig na pinasok sa gobyerno.

Binubusisi na rin aniya ng palasyo ang kontrata nina Ayala at Pangilinan sa Light Rail Transit 1 na isa pa aniyang maa­nomalyang kontrata.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *