Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gulay mula sa Benguet patuloy na dumaragsa para sa mga bakwit ng Taal

DARATING pa ang mara­ming gulay mula sa lalawigan ng Benguet para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal dahil sa patuloy na relief operations ng mga lokal na maggugulay ng lalawigan.

Ayon kay Agot Balanoy ng League of Associations in the La Trinidad Vegetable Trading Post, nakapag-ipon sila ng 3,000 kilo ng sari-saring gulay mula sa kanilang mga miyembro kalakip ang pag-asang makatulong ang kanilang donasyon sa mga bakwit.

Dagdag ni Balanoy, dadalhin ang natipon nilang mga gulay sa lalawigan ng Batangas sa Linggo, 19 Enero, katuwang ang Depart­ment of Agriculture sa Cordillera na magpapahiram ng truck sa kanila.

Noong isang buwan, nagbigay din ng donasyong gulay ang mga lokal na maggugulay sa Benguet sa mga nasalanta ng mga bagyong Quiel at Ramon sa lalawigan ng Apayao.

Samantala, nauna nang mamigay ng kanilang mga ani ang mga maggugulay mula sa Mt. Pulag sa mga biktima ng pagsabog ng Taal.

Sa lalawigan ng Mt. Province, nagpadala ng mga sayote at iba pang aning gulay ang mga maggugulay ng Sagada sa Batangas evacuees sa tulong ng kanilang lokal na pamaha­laan.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …