Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
LRT 1

Ulo nasugatan, mukha nagasgas… Babae nahulog sa riles ng LRT1

ISANG pasaherong babae ang sugatan nang mahulog sa riles ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 makaraang mahilo sa Doroteo Jose Station sa Sta, Cruz, Maynila kaha­pon ng umaga.

Dahil sa pangyayari, pansamantalang itinigil ang operasyon ng LRT Line 1 upang mabigyan ng tulong  ang babaeng pasa­hero na  hindi pina­ngalanan, edad 32 anyos.

Sa report ni Jacqueline Gorospe, Corporate Com­munication head ng Light Rail Manila Corporation, nangyari ang insidente  sa riles ng Doroteo Jose Station northbound lane na sinasabing nahilo ang babae habang naghihintay ng train dakong 6:45 am.

Sinabi ni Gorospe, agad isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima na nagkagalos sa mukha at patuloy na inoobser­bahan.

Nagulat ang mga security guard nang mahu­log sa riles ang nasa­bing babae agad nilang natulungan at isinugod sa pagamutan.

Muling nagpaalala ang pamunuan ng LRMC sa mga pasahero ng LRT na kung makaramdam ng pagkahilo ay agad ipagbigay-alam sa kani­lang mga guwardiya at mga kasabay na pasahero para agad matulungan.

Humingi ng pau­manhin ang pamunuan ng LRT-1 sa mga naabalang pasahero sa pagkaantala ng biyahe ng kanilang mga tren.

Dakong 8:00 am nang maibalik ang operasyon ng LRT-1.

Samantala dakong 2:00 pm ay naglabas ng pahayag ang pamunuan ng LRMC kaugnay sa insidente ng pagkahulog ng naturang babae.

Sa paglilinaw ng LRMC, inilipat sa Medical Center Manila ang babae upang mabigyan ng full medical examination at sumailalim ito sa X-ray ultrasound at CT scan.

Sa initial medical findings, ang biktima ay may head lacerations at gasgas sa mukha dahil sa pangyayari.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagsasgawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad hinggil sa insidente.

Pinuri ng LRMC ang train operator na may presence of mind o naging alisto kaya agad nag-emergency break.

Sa kabila ng insidente, tiniyak ng LRMC ang ligtas at maayos na serbisyo sa mga pasahero, sabay nananawagan sa mga sumasakay sa LRT-1 na sumunod sa rules and regulations sa mga estasyon at mga tren upang maiwasan ang hindi kanais-nais na insidente.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …