Monday , December 23 2024

Digong hindi tumuloy sa Leyte… Negosyanteng overpriced sa N95 face mask mananagot sa batas

IPINAGPALIBAN ni Pangulong Rodrigo Duter­te ang pagbisita sa Leyte ngayon dahil sa pagsabog ng Taal volcano sa Batangas.

Nakatakdang pangu­nahan ng Pangulo ang pamamahagi ng mga benepisyo para sa rebel returnees sa San Isidro, Leyte ngayong hapon.

Nagsagawa ng aerial inspection kahapon ng umaga si Pangulong Duterte upang malaman ang lawak ng pinsala nang pagsabog ng bulkan.

Ang eroplanong sinak­yan nina Pangulong Duterte at Sen. Chris­topher “Bong” Go mula sa Davao City ang unang lumapag sa NAIA mula nang kanselahin ang lahat ng domestic at inter­national flights noong Linggo ng hapon bunsod nang pagputok ng bul­kang Taal na nagdulot ng pagbagsak ng titis sa Batangas, Laguna, Cavi­te, Quezon, Rizal, Metro Manila, at Bulacan.

Nagbabala ang Pala­syo sa mga negosyanteng magsasamantala sa sitwasyon na paruru­sahan at

inaatasan ang Depart­­­ment of Health na mamahagi ng face masks sa mga residenteng apek­tado ng ash fall.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *