BINIGYAN ng tsansa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang water concessionaires na tanggapin ang bagong concession agreement na ipapalit sa umiiral na kontrata na dehado ang taong bayan.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kapag tumanggi ang Maynilad at Manila Water sa bagong kontrata, iuutos ni Pangulong Duterte ang kanselasyon ng umiiral na concession agreement at itutuloy ang pag-takeover ng pamahalaan sa pagsu-supply ng tubig sa consumers.
“There is a time for reckoning. That time has come,” ani Panelo.
“Hence, the chief executive is giving water concessionaires the option of accepting the new contracts minus the onerous provisions without any guarantee of not being criminally prosecuted together with those who conspired to craft the very onerous contracts,” dagdag niya.
“The Filipinos have lost enormously with the unabated collections by these concessionaires despite the latter’s dismal performance in supplying, delivering and distributing water,” aniya.
Wala aniyang itinakdang deadline para tanggapin ng Maynilad at Manila Water ang bagong kontrata.
(ROSE NOVENARIO)