Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para sa Middle East OFWs: Bilyones na contingency fund mungkahi ng Pangulo

IPINANUKALA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na magsagawa ng dalawang araw na special session para magpasa ng resolusyon para sa paglalaan ng bilyon-bilyong pisong contingency fund para sa paglikas ng mga Filipino sa Gitnang Silangan kapag lumala ang tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Nais ng Pangulo na may nakahandang pondo upang magamit anomang oras  na kailangang ilikas ang mahigit isang mil­yong overseas Filipino workers (OFWs) sa Middle East.

Sa kanyang talumpati matapos pormal na lagdaan ang P4.1 trilyon 2020 national budget, sinabi ng Pangulo na nangangamba siya para sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Middle East sa napipintong madugong paghihiganti ng Iran sa pagpaslang ng Amerika kay Iranian general Qassem Soleimaini.

Magiging malala aniya ang problema lalo na kapag kumilos ang Saudi Arabia at Israel para kampihan ang US laban sa Iran.

Kaugnay nito, gusto ng Pangulo na magbuo ng jsang komite na mama­ma­hala sa contingency fund na ilalaan ng Kongre­so para sa paglikas ng OFWs.

Magsisilbi aniyang “disbursing officers” ang mga bubuo sa komite na ”men of integrity” upang maiwasan ang korupsiyon.

Nagmungkahi ang Pangulo sa Kongreso na lagyan ng safeguards ang ipapasang resolusyon para sa Middle East contingency fund.

ni ROSE NOVENARIO

HINDI LANG OFWs
SA IRAN AT IRAQ
ANG NANGANGANIB

HINDI lamang dapat ituon ng gobyerno ang contingency plan para mailikas ang overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase sa Iran at Iraq kung patuloy na lumala ang tensiyon sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ito ang sinabi ngayon ni Senadora Imee Marcos sa harap ng banta ng Iran na gagantihan ang Amerika at mga kaalyado nitong bansa sa Middle East bunsod ng pagka­kapatay sa top military leader na si Qasem Soleimani sa isinagawang US air strike noong Biyer­nes sa Baghdad, Iraq.

“Hindi tayo dapat nakatali lang sa kung anong magiging kalaga­yan ng ating mga kababayan sa Iran at Iraq lamang. Sa anumang gagawing hakbang ng ating pamahalaan, hindi ito dapat nakasentro lang sa Iran at Iraq. Mas dapat natin bigyang pansin ang magiging kaligtasan ng milyon nating kababa­yang OFWs sa buong Middle East,” ayon kay Marcos.

Mahigit kalahati ng bilang ng mga OFW sa buong mundo ay nakabase sa Middle East, at mayorya nito ay nasa Saudi Arabia na may 500,000; habang nasa 300,000 ang nasa United Arab Emirates at tig-100,000 sa Kuwait at Qatar, base na rin sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2018.

Nasa 30,000 Pinoy workers ang nasa Israel habang tig-10,000 ang nasa Iraq at Iran.

“Nakaamba ngayon ang mga retaliatory attacks sa mga lugar kung saan naroroon at malakas ang puwersa ng Estados Unidos, at ang masaklap nito, naroroon din sa mga bansang iyon ang libo-libo nating OFWs,” pahayag ni Marcos.

Ayon sa datos ng International Crisis Group at ng Federation of American Scientists, tinatayang nasa tig-13,000 US troops ang nasa Kuwait at Qatar habang 6,000 sa Iraq, 5,000 sa UAE at 3,000 sa Saudi Arabia.

“Bigyan din natin ng pansin ang Filipino seafarers na nagtatrabaho sa oil tankers, hindi lang ang mga land-based OFWs, dahil ang tensiyon na nangyayari sa Middle East ay may kaugnayan din sa economic sanctions na ipinataw ng US laban sa Iran,” dagdag ni Marcos.  (C. MARTIN)

Sa gulo sa Middle East
PRESYO NG LANGIS BANTAYAN
— SENATOR KOKO PIMENTEL

SA nagpapatuloy na tensiyon sa pagitan ng Amerika at Iran, hini­kayat ni Senador Aquilino Pimentel III ang Department of Energy na bantayan ang galaw ng presyo ng langis sa pan­daigdigang pamilihan.

Ayon kay Pimentel, dapat din tutukan ang mga bansa na pinag­kukuhaan ng supply ng langis ng Filipinas sa katuwiran na patuloy na pagsirit ng presyo ng krudo ay maaaring maapektohan ang ating ekonomiya.

Ani Pimentel, bilang chairman ng Senate Committee on Foreign Relations dapat ngayon pa lang ay naghahanap na ang DOE ng ibang maaa­ring mapag-angkatan ng langis dahil sa kaganapan sa Gitnang Silangan.

Binigyang diin ng Senador, mas maka­bubuting advance mag-isip para maayos na makapaghanda.

Aniya, maaaring mag-import ng langis ang Filipinas sa Russia at sa ganitong paraan ay mapag­titibay pa ang relasyon ng dalawang bansa.

Nagsimulang uma­ngat ang presyo ng langis nang mapatay sa US drone attack sa Baghdad International Airport si Iranian General Qasem Soleimani. (C. MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …