Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Exodus ng OFWs sa Middle East iniutos ni Duterte

INUTUSAN ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maghanda para agad mailikas ang libo-libong Filipino sa Gitnang Sila­ngan sakaling tumindi ang tensiyon sa pagitan ng US at Iran bunsod nang pagpatay ng Ameri­ka kay Iranian General Qassem Soleimani.

“Nagpatawag si Pangulong Duterte ng meeting kasama ang chief of staff ng AFP kung ano ang magiging epekto nito sa ating bansa at sa ating seguridad,” ayon kay Senator Christopher Lawrence “Bong” Go na kaharap sa pulong ni Pangulong Duterte sa matataas na opisyal ng pulisya’t militar sa Malacañang kagabi.

Aniya, hindi na mahintay ng Pangulo ang command conference sa Martes para pag-usapan ang sitwasyon sa Middle East kung kaya siya nag­patawag ng emergency meeting kagabi.

“Mabuting prepared tayong mag-repatriate ng ating mga kababayan if necessary, iyan ang prayoridad ng Pangulo,” ani Go.

Nagbigay rin aniya ng direktiba ang Pangulo sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para magkasa ng contingency measures at tukuyin ang mga bansang ligtas na pagdalhan ng mga ililikas na Pinoy sakaling mahira­pang maiuwi sila sa Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …