Monday , December 23 2024

Laban sa kahirapan… Family planning palalakasin — NEDA

PALALAKASIN ng pamahalaan ang family planning program kasabay ng  pagsisikap na mapababa pa ang antas ng kahirapan sa bansa.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Chief Ernesto Pernia, sadyang napa­bayaan ang naturang kampanya ng gobyerno na unang inilunsad noong 1969 at natigil noong late 70s.

Sinabi ni Pernia, naging malaki ang epekto ng hindi pag­kakasustina ng naturang programa sa sitwasyon ng kahirapan sa bansa hindi katulad ng Indonesia at Thailand na nagsimula naman ang family planning program noong 1970.

Hanggang ngayon ayon sa Kalihim ay naririyan pa rin at hindi binitiwan ng Thailand at Indonesia ang nasabing programa dahilan upang higit na mababa ang poverty incident sa kanila.

Ang kailangan, aniya, ngayon ay isang honest to goodness na programa sa pagpa­plano ng pamilya na ikakasa ng pamaha­laan matapos na ito’y ma­pabayaan sa mga na­karaan.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *