Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dispersal sa RFC picket line marahas, 4 sugatan, 23 arestado

SUGATAN ang apat katao habang 23 ang inaresto sa marahas na dispersal ng picket line sa pabrika ng Regent Foods Corporation (RFC) sa lungsod ng Pasig nitong Sabado ng umaga, 9 Nobyembre.

Sumiklab ang karaha­san dakong 9:00 am nang i-disperse ng mga guwar­diya ng RFC ang mga nagpoprotestang traba­hador ng snack manu­facturer para sirain ang picket line sa Jimenez St., corner Elisco Rd., sa Barangay Kalawaan sa naturang lungsod.

Sa ulat sinabing, nagsimulang magliparan ang malalaking bato, bakal, at mga kahoy sa nasabing picket line nang magresponde ang mga guwardiya, at mga tauhan ng Philippine National Police Civil Disturbance Management (CDM) team.

Dinala ang mga sugatan sa Rizal Medical Center upang mabigyan ng atensiyong-medikal habang dinala sa kusto­diya ng Pasig City Police Station ang mga nadakip upang harapin ang mga kasong physical injuries, illegal possession of a bladed weapon, at alarms and scandal.

Ipinoprotesta ng tinatayang 50 miyembro ng Regent Foods Workers Union ang hindi makata­rungang pagtrato sa mga manggagawa at tangkang pagbuwag sa kanilang unyon ng kompanyang gumagawa ng mga produktong Snacku, Cheese Ring, Tempura, Sweet Corn, Cheese Ball, Labzter, Custard Cake, at iba pang snack products.

Hinihiniling ng mga manggagawa ang pagpa­patupad ng kanilang col­lective bargaining agree­ments, regulari­sasyon, at iba pang benepisyo.

Samantala, pinanga­siwaan ni P/Col. Moises Villaceran Jr., hepe ng Pasic City police, ang isang dialogo sa pagitan ng pinuno ng mga striker at lider ng RFC security guards ngunit nagkaroon ng hindi pagkakaintin­dihan.

Matapos ang pag-uusap, nagkagulo ang mga manggagawa at mga guwardiya, dahilan upang mamagitan ang mga tauhan ng CDM.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …