KINONDENA ng Palasyo ang pagpatay kay radio broadcaster Dindo Generoso ng dyEM 96.7 Bai Radio sa Dumaguete City, Negros Oriental kahapon.
Tiniyak ni Communications Secretary Martin Andanar mabibigyan ng hustisya ang sinapit ni Generoso.
“This senseless and unwarranted act will not go unpunished. We will take the necessary action to ensure justice for Mr. Generoso’s family,” aniya.
Bilang co-chair ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS), ipagkakaloob aniya ang kaukulang ayudang legal at iba pang suportang kailangan ng pamilya Generoso.
“We are extending our deepest sympathies to the family of Mr. Generoso in this time of grief and we are with you in seeking justice,” dagdag niya.
Sa ulat ng pulisya, nagmamaneho papunta sa pinapasukang radio station si Generoso nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki.
(ROSE NOVENARIO)