Thursday , December 26 2024

22 katao patay sa serye ng lindol sa Mindanao

HINDI bababa sa 22 katao ang namatay sa serye ng malalakas na lindol na yumanig sa lalawigan ng Cotabato at iba pang bahagi ng Mindanao mula noong huling bahagi ng Oktubre, ayon sa National Disaster Risk Reduction Manage­ment Council.

Ayon sa ulat ng NDRRMC, 16 katao ang namatay sa lalawigan ng Cotabato, kung saan naitala ang epicenter ng magnitude 6.6 lindol noong 29 Oktubre at magnitude 6.5 lindol noong 31 Oktubre.

Naitala rin sa mga casualty ang tatlo katao sa lalawigan ng Davao del Sur, dalawa sa South Cotabato, at isa sa Sultan Kudarat.

Samantala, naiulat sa NDRRMC ang bilang ng mga nasaktan at sugatan mula sa mga sumusunod na lugar:

Northern Mindanao, Lanao del Norte, 8, Bukidnon, 6,

Davao Region, Davao del Sur, 11, Davao City, 4, Davao del Norte, 1, Soccsksargen, Cotabato, 257, South Cotabato, 40, Saranggani, 3, Sultan Kudarat, 1.

BARMM Maguinda­nao, 1.

Samantala, dalawa katao ang hindi pa natatagpuan sa lalawigan ng Davao del Sur.

May kabuuang 28,224 infrastructures ang napinsala sa mga lugar ng Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at BARMM.

Malubhang napinsala ang may kabuuang 20,921 kabahayan at dalawang paaralan; samantala bahagyang napinsala ang 6,429 kabahayan, 755 paaralan, at 36 health facilities.

Dagdag ng NDRRMC, nakapagbigay na ng kabuuang P16.83 bilyon tulong ang Depart­ment of Social Welfare and Development at Office of Civil Defense sa mga apektadong lugar.

Sa loob ng dalawang linggo, niyanig ang Cotabato at ilang bahagi ng Mindanao ng tatlong malalakas na lindol na nagsimula noong 16 Oktubre, may lakas na magnitude 6.3 tremor na naitala sa Tulunan, Cotabato, ang epicenter.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *