Thursday , December 26 2024
QC quezon city

Paggunita sa Undas kasado na, QC councilors nagpaalala sa publiko

PLANTSADO na ang paghahanda ng pama­halaan at ng Philippine National Police (PNP) sa paggunita sa araw ng Undas ngayong 1-2 Nobyembre para matiyak ang kaligtassan ng publiko.

Kaugnay nito nagpaalala si Quezon City 5th District Councilor Allan Butch Francisco sa publiko na bukod sa dapat matiyak ang maayos at matiwasay na pagbiyahe ng mga kababayan natin na magsisipag-uwian sa kanilang mga lalawigan ay dapat din magkaroon ng mga roving patrol sa residential areas upang mabantayan ang mga kabahayan ng mga kababayan habang wala sa kanilang mga tahanan.

Ayon kay Francisco, layon nitong mapigilan ang masasamang loob na nais manggulo at makapangbiktima ng indibiduwal ngayong Todos Los Santos o All Saints Day.

“Kasi kadalasan umaatake ang masasamang loob kapag may ganitong okasyon at sinasamantala ang pagiging busy ng mga pulis,” ani Francisco.

Sinabi ng konsehal, upang mapigilan ang pag-atake ng mga mandurukot, at masasamang loob na magnakaw sa ating mga bahay habang walang tao sa kanilang tahanan, ‘wag mag-post sa mga Facebook na walang tao sa ating mga bahay upang ‘di mabiktima.

Idinagdag ni Francisco, ang Quezon City Police District (QCPD) ay handa na rin para magpakalat ng mga pulis sa mga sementeryo upang tiyakin ang kaligtasan ng ating mga kababayan na bibisita sa kanilang mga mahal sa buhay, gayondin ang Quezon City govern­ment, na handa na rin para magpakalat ng mga ambulansiya  sa oras ng emergency.

Ayon kay Francisco, sa dami  ng mga bibisita sa mga sementeryo dapat lagyan ng name plate at cellphone number o ID ang kanilang mga anak na isasama upang madaling mahanap sakaling mawaglit sa kanilang mga mata.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *