Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erap Estrada Manila
Erap Estrada Manila

Panahon pa ni Erap… 120K kidney patients, nakalibre sa Manila dialysis center

DISYEMBRE 2014 pa nang buksan ni former Manila Mayor Joseph Estrada ang pinaka­malaking dialysis center sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Maynila.

Ito ang inihayag ng kampo ng dating alkalde, na sa pamamagitan umano ng City Ordinance 8346 at Council Resolution No. 163 na inapro­bahan ng konseho noong Abril 2014, binigyan ng kapangyarihan si Estrada na pumasok sa kasunduan para sa pagbubukas ng dialysis center sa naturang ospital.

Naisipan umanong magproyekto ng dialysis center matapos makita ng dating Pangulo ang hirap ng kidney patients na nakapila sa palasyo ng Malacañang noong siya pa ang lider ng republika.

Sa pamamagitan ng public-private partner­ship, nasimulan ni Estrada ang dialysis center matapos ang pakikipagkasundo sa B. Braun, ang pinakamalaking dialysis servicing company sa bansa.

Nagsimula ang center sa 26 dialysis machines na naging bahagi ng “from womb to tomb” health program ni Estrada na nakapag­ser­bisyo nang libre sa maraming mamamayan ng Maynila na kidney patients sa ilalim ng Phase 1.

Noong Oktubre 2018, nagkaroon ng pani­bagong inagurasyon si Estrada na tinukoy bilang Expanded Manila Dialysis Center sa ilalim ng Phase 2 na may karagdagang 29 dialysis machines kaya umabot sa 55 ang nagamit na makina.

Sa pagtatapos ng ikalawang termino ni Mayor Erap, umaabot na sa 120,000 kidney patients ang napagsilbihan ng dialysis center na libre ang makina, gamot at ang lahat ng pasilidad para sa mga pasyente.

Umaabot sa P2,500 hanggang P3,000 ang karaniwang bayad sa isang sesyon ng dialysis machine ngunit libre itong naibigay sa mga pasyente sa loob ng anim na taon ng pagiging alkalde ni Estrada.

Ayon kay Estrada, pondo ng pamahalaang lungsod ang ginamit sa programa sa tulong din ng pribadong sektor kaya dapat pakinabangan ng mga mamamayan.

“Hindi naman natin kailangan ng kredito dahil ang importante sa lahat ay malaman ng mga mamamayan kung kailan nagsimula ang dialysis center ng Maynila na kahit minsan ay hindi natin kinulayan ng politika,” pahayag ni Erap.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …