Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis pinaglakad ng ambulansiya… Puso ng baby tumigil inunan agad humiwalay nanay dinugo patay

PAIIMBESTIGAHAN ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang pagkamatay ng isang buntis na ginang na unang dinala sa Ospital ng Sampaloc at ipinalipat sa Sta. Ana Hospital kamakailan.

Sa impormasyon na ibinigay kay mayor Isko, dakong 8:00 am nitong 21 Oktubre, nagpunta mag-isa ang pasyenteng buntis na si Myra Morga sa Sampaloc Hospital dahil sumasakit ang tiyan at kanya na umanong kabu­wanan.

Agad inasikaso ng mga kawani ng nasabing ospital si Morga at noon nasuri ng isang doktor na wala nang “heart beat” ang bata na nasa sina­pupunan nito kaya’t inirekomendang ilipat ang pasyente sa Sta. Ana hospital dahil mas kom­pleto ang mga kagamitan doon.

“Nang dumating iyong kamag-anak ni Myra, sinabihan sila na hindi nila kaya ang sitwasyon ng pasyente kaya dinala sa Sta. Ana hospital,” anang alkalde.

Batay sa kumalat na video sa social media, hindi umano inihatid hanggang sa harapan ng emergency room ng Sta. Ana Hospital ang pa­syente kundi sa labas ibinaba at pinaglakad hanggang makapasok sa nasabing pagamutan.

Dahil sa patuloy na pagdurugo, ilang oras ang nakalipas ay bina­wian ng buhay si Myra gayondin ang bata sa kanyang sinapupunan.

Batay sa mediko legal, namatay umano ang pasyente dahil sa hypovolemic shock, severe anemia at abruptio placenta.

Kahapon, humarap ang Director ng Sampaloc Hospital na si Dra. Aileen Lacsamana at Director ng Ospital ng Sta. Ana na si Dra. Grace Padilla kay Mayor Isko upang maka­pagpaliwanag.

Iginiit ng alkalde na paiimbestigahan ang na_sa­bing insidente at kung sakaling mapatu­nayan na may kapa­baya­ang naganap, titiyakin niya na may mananagot.

Paiimbestigahan din ng alkalde ang driver ng ambulansiya na naghatid sa namatay na pasyente sa ospital ng Sta. Ana kung bakit ibinaba sa kal­sada sa kabila ng deli­kadong kalagayan nito.

Napag-alaman na nailibing na ang bangkay ng mag-ina na pinagsama sa iisang kabaong dahil sa kanilang kahirapan.

Ayon kay Isko, kahit hindi umano residente ng Maynila ang namatay na pasyente, magbibigay pa rin ng tulong ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pamamagitan ng Manila Social Welfare and Development (MSSD).

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …