Monday , December 23 2024

Duterte ‘pinauwi’ ng matinding kirot sa gulugod (Banquet ng Emperor ‘di nadaluhan)

PINAIKLI ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagbisita sa Japan dahil kailangan niyang magpatingin sa doktor ngayon sa matinding kirot na naramdaman sa kanyang likod matapos maaksidente sa motorsiklo noong nakalipas na linggo.

Nabatid kay Presi­dential Spokesman Salva­dor Panelo na imbes bukas ay kagabi umuwi sa Filipinas si Pangulong Duterte.

“The Palace an­nounces that the President will cut short his trip to Japan due to unbearable pain in his spinal column near the pelvic bone as a con­sequence of his fall during his motorcycle ride last Thursday, October 17,” ani Panelo sa kalatas kahapon.

“He will return to the country early evening today, October 22, and will see his neurologist tomorrow, October 23, for consultation,” dagdag niya.

Hindi nakadalo ang Pangulo sa banquet para kay Japanese Emperor Naruhito pero ang anak na si Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang kanyang naging repre­sentante.

Sa mga larawan kuha sa Japan ay nakitang may gamit na tungkod si Pangulong Duterte.

“The Palace, however, confirms that the President has attended the enthronement rites earlier today, albeit carrying a cane to assist him in his walk,” ani Panelo.

Tiniyak ni Panelo, walang dapat ikabahala ang publiko sa kalagayan ng kalusugan ng Pangulo.

“While this was unforseeable, the public can rest assured that there is nothing to worry as regards the physical health and condition of the President as he gives serious priority thereto in actively serving our country,” ani Panelo.

Pagdating mula sa Japan kagabi ay dume­retso ang Pangulo sa burol ni dating Senate President Aquilino Pimentel sa Heritage Park sa Tagig City.

ni ROSE NOVENARIO

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *