Friday , August 15 2025
marijuana

Tanim na marijuana nabuking ng mga parak sa Mindoro

NABISTO ng mga pulis ang ilang tanim na marijuana na nakatago sa makakapal na halaman sa bayan ng Bansud, lalawigan ng Oriental Mindoro, kahapon, 20 Oktubre.

Ayon kay P/Lt. Col. Socrates Faltado, information officer ng Mimaropa police, nagsa­gawa ang mga pulis ng Bansud at Oriental Mindoro ng anti-illegal drugs operation sa Sitio Piit, Bgy. Bato, nang makatanggap ng impor­ma­syon nitong Sabado, 19 Oktubre, na may nag­paparami umano ng marijuana sa naturang barangay.

Nakuha ng pulisya ang tatlong halaman ng hinihinalang Cannabis sativa o marijuana dakong 1:30 am nitong Linggo.

Ayon sa mga impormante, makikitang pagala-gala ang isang kilalang user ng ‘damo’ tuwing madaling araw at dapithapon.

Kasalukuyan nang pinaghahanap ng pulisya ang sinasabing marijuana user na pinaghihi­nalaang siyang nagtanim at nagpaparami ng nabanggit na halaman.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NBI

P11-M pekeng produkto kinompiska ng NBI

UMABOT sa P11 milyong halaga ng mga pekeng produkto ang nasamsam ng National Bureau of …

Nicolas Torre III

Vloggers/content creators, binalaan ni Torre vs fake news, imbentong senaryo

BINALAAN ng Philippine National Police (PNP) ang mga vlogger at content creator na huwag magpakalat …

081325 Hataw Frontpage

3 grade 7 student nabagsakan ng debris, kritikal

ni ALMAR DANGUILAN MASUSING inoobserbahan sa Capitol Medical Center ang tatlong Grade 7 students kabilang …

QCPD Quezon City

Paslit kinidnap ng yaya nailigtas

NAILIGTAS ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang 3-anyos bata habang naaresto …

Goitia

Chairman Goitia:
Katotohanan, sandata laban sa kasinungalingan ng Tsina 

SA ISANG eksklusibong panayam kay Dr. Jose Antonio Goitia, na nagsisilbing Chairman Emeritus ng apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *