Thursday , December 26 2024

Mindanao niyanig ng magnitude 6.3 lindol (5 patay, dose-dosena sugatan)

UMABOT sa lima ang iniulat na namatay matapos ang magnitude 6.3 lindol na yumanig sa lalawigan ng North Cotabato nitong Miyer­koles ng gabi, 16 Oktubre.

Kasama sa mga casualty ang isang batang babaeng natabunan ng gumuhong bahay sa bayan ng Datu Paglas sa lalawigan ng Maguindanao, habang dalawang residente ang nasaktan dahil sa mga gumuhong bahagi ng isang konkretong pader sa bayan ng Tulunan sa lalawigan ng North Cotabato.

Sa bayan ng M’lang, binawian ng buhay nang atakehin sa puso ang isang lalaking kinilalang si Tony Panangulon, pinanini­wala­ang nasa edad 40 anyos pataas.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang dalawa pang casualty habang higit sa 20 katao ang sugatan sa bayan ng Magsaysay sa lalawigan ng Davao del Sur.

Ayon sa Magsaysay information officer na si Anthony Allada, maraming bahay ang nasira at ilan ay tuluyang gumuho.

Hindi bababa sa siyam katao ang nasaktan sa mga bayan ng Makilala at Kida­pawan.

Ayon sa NDRRMC, tina­ta­yang 15 bahay sa lala­wigan ng Davao del Sur at 14 sa rehiyon ng Soccsk­sargen ang bahagyang napinsala ng lindol.

Sa U.S. Geological Survey, ang sentro ng lindol ay naitala 8 kilometro mula sa bayan ng Colombio sa lalawigan ng Sulatan Kuda­rat, at may lalim na 14 kilo­metro.

Sinabi sa mga eksperto, ang mabababaw na lindol ay tinatayang nagdudulot ng mas maraming pinsala kaysa malalalim.

Naantala ang pagtataya sa halaga at lawak ng pinsala sa mga lalawigan nang mawalan ng elektri­sidad sa ilang lugar.

Sumiklab ang sunog sa isang shopping mall sa lungsod ng General Santos ilang sandali matapos ang lindol, ngunit hindi naman tiyak ng mga awtoridad kung ano ang pinanggalingan ng apoy.

Sinabi ni M’lang vice mayor Joselito Piñol, inilikas ang mga pasyente mula sa isang pagamutan upang matiyak ang kanilang kalig­tasan.

Dagdag ng bise alkalde, ilang gusali ang napinsala at mga poste ng koryente ang natumba dahil sa malakas na pagyanig ng lupa at maging ang salaming bintana sa kanyang tanggapan ay bumagsak at nabasag.

Nawalan ng koryente sa lungsod ng Kidapawan na itinuturing na pangunahing transport hub ng Mindanao.

Suspendido ang pasok sa mga paaralan sa mga apektadong lugar gayondin sa lungsod ng Davao upang bigyang daan ang pagsusuri sa mga gusali.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *