Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Para sa SEA Games… PHISGOC, Senate Sports Committee nag-inspeksiyon sa New Clark City

NAGSAGAWA ng ocular inspection ang Senate Committee on Sports at ang House Committee on Sports sa New Clark City sa Capas, Tarlac na pagdarausan ng 2019 SEA Games kahapon.

Isa ang New Clark City Aquatic Center at Athletic Stadium sa pagdarausan ng athletics at aquatics events sa 30th Southeast Asian Games na host ang Filipinas.

Ayon kay Senador Christopher “Bong” Go, Chairman ng Committee on Sports, nakita niyang maayos at kontento siya sa pagdarausan ng SEA Games.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano, chairman ng SEA Games Organizing Committee (Phisgoc), nais nilang matiyak na walang magiging aberya sa SEA Games.

Ang New Clark City ay 9,450 ektaryang lupain na pinamahlaan ng Bases Conversion and Develop­ment Authority (BCDA).

Kasunod ng kompir­masyon ni Go, itatayo roon ang Philippine High School for Sports.

Iginiit ni Go at Caye­tano, pinili nilang gawin sa labas ng Metro Manila ang ibang activities para maitampok rin ang turismo sa mga nabanggit na lalawigan.

Karamihan ng events sa SEA Games ay gagana­pin sa Clark Freeport Zone sa Pampanga sa pamamagitan ng Clark Development Corp.

Mayroon din sa Subic Freeport Zone sa Zamba­les sa tulong ng Subic Bay Metropolitan Authority.

Sa Metro Manila gaga­napin ang basketball at volleyball events.

Isasagawa ang SEA Games mula 30 Nobyem­bre hanggang 11 Disyem­bre ng kasalukuyang taon.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …