Tuesday , July 29 2025
BILANG katunayan na walang African Swine Fever sa Batangas (ASF) nag-boodle fight sina Deputy Speaker Raneo Abu (nakasuot ng t-shirt na green), Lobo Mayor Gaudioso Manalo (sa kanan ni Abu) at iba pang opisyal ng Bayan ng Lobo nitong nakaraang Biyernes ng gabi. (GERRY BALDO)

Walang ASF sa Batangas — Abu

SA GITNA ng luma­la­wak na pangamba hinggil sa African Swine Fever (ASF) sa bansa, nanin­digan si Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas na libre pa rin ang pro­binsiya sa sakit na nakaapekto sa libo-libong baboy sa bansa.

Ayon kay Abu, sa pagputok ng balita sa ASF, ipinagbawal na agad ng pamahalaan lokal ang pagpasok ng baboy sa probinsiya.

“Ang aming Gober­nador (Hermilando) Man­danas nagsagawa agad ng pagbabawal sa pagpa­sok ng baboy mula sa ibang probinsiya,” ani Abu sa interbyu sa Lobo, Batangas.

Ayon kay Abu, mis­mong ang provincial veterinary officer ang nagsasabi na walang ASF sa probinsiya.

Sa patunay na walang nakapasok na ASF, nag­sa­gawa si Abu ng “boodle fight” kasama si Lobo Mayor Gaudioso Manalo at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan ng Lobo para kumain sila ng  litson.

Ang Batangas ay kilala rin sa bulalo ng ba­ka. Ang karamihan nito ay nanggagaling sa bayan ng Padre Garcia na may regular  na “livestock auction market.”

Aniya, patuloy ang pagsagawa ng check­points ng kawani ng veterinary office upang siguraduhin na walang makapapasok na sakit ng baboy at iba pang pang-agrikulturang produkto sa probinsiya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Sara Duterte Bam Aquino

Bam Aquino nanindigan impeachment trial vs VP Sara dapat ituloy
Humingi ng caucus sa mga kapwa Senador

NANINDIGAN si Senador Bam Aquino na dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara …

Scoot Flight TR 369 Plane

Torre vs Baste boxing match sinibatan

HABANG excited sa paghahanda si Philippine National Police (PNP) Chief, General Nicolas Torre, mukhang ‘drawing’ …

PNP Nicolas Torre III Baste Duterte

C/PNP Torre excited sa charity boxing vs Baste Duterte

BUONG TIKAS na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na …

072625 Hataw Frontpage

Kahit sinong voter o taxpayer maaaring kumuwestiyon
4TH TERM SA KAMARA NG MISIS NI SPEAKER ROMUALDEZ DELIKADONG ‘PRECEDENT’ – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team HINDI lamang political opponents, kundi kahit sinong registered voter o taxpayer ay …

Jose Antonio Ejercito Goitia Liza Araneta Marcos

GOITIA BINANATAN ONLINE BLOG NA IDINADAWIT SI FIRST LADY
“Trahedya ‘wag gamitin bilang sandata sa politika.”

MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na kilalang civic organizations, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *