Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pervert na bading?! ‘Dark secret’ ng palace exec buking

SA LIKOD ng mga ngiti ng isang opisyal sa Malacañang ay may nakatagong maitim na lihim na iilan lang ang nakaaalam.

Nabatid ng HATAW sa source, isang opisyal sa Malacañang ang parang milyonaryo kung magwaldas ng pera ng bayan para sa hilig niya sa pag-inom ng alak, paglilimayon sa iba’t ibang parte ng bansa at maging sa abroad.

Dagdag ng source, madalang pa sa patak ng ulan kung magpunta sa kanyang tanggapan ang Palace executive kaya ang kanyang mga staff, na halos lahat ay maika­kategoryang mil­lennials, ay pinagre-report sa kanyang condo unit sa katimugang baha­gi ng Metro Manila, mata­pos ang maghapong pagta­trabaho sa kanilang opisina sa San Miguel, Maynila.

Ang siste ni Palace exec, anang source, yaya­yain magpa­ka­lasing ang kanyang mga tauhan at kapag wala na sa wisyo sa epekto ng alak ay ginagawan ng ‘milagro’ ang kanyang kalala­kihang staff.

Para umao hindi ha­lata na ‘berde’ ang dugo ng Palace exec ay pina­sasama niya ang kaba­baihang staff para hindi bistado ang mga kama­lasadohang gi­na­ga­wa niya sa boylet staff.

Giit ng source, hindi makapalag ang mga staff kay Palace exec dahil bukod sa inuulan sila ng PI (pagmumura) pinagbabantaan silang tatanggalin sa trabaho at may iba siyang puwe­deng gawin sa kanila kapag sumingaw ang kanilang ‘dark secrets’ sa condo.

“Ipinagmamalaki aniya na malakas siya sa mataas na opisyal ng bansa, kababayan niya, at family friend pa nila, paano sila makapapalag sa mga gusto niya?” anang source.

Nakaamba aniyang maluklok na bossing sa isang ahensiya ng pama­halaan na may kinala­man sa impormasyon ang sinasabing Palace exec kaya lalo silang natatakot sa implu­wensiyang taglay.

“Bago sana siya magpanggap na gus­tong i-rehab ang nasyon, ang sarili muna niya ang ipa-rehab niya,” wika ng source.

(ROSE NOVE­NA­RIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …