Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PhilRice exec natagpuang patay sa loob ng kotse sa Nueva Ecija

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang division head ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa loob ng kaniyang kotse sa bayan ng Talavera, sa lala­wigan ng Nueva Ecija noong Martes, 24 Setyem­bre.

Kinilala ni P/Col. Leon Victor Rosete, hepe ng Nueva Ecija Police Provincial Office, ang biktimang si Roger Barroga, hepe ng PhilRice Information System Division, na nakitang patay dakong 9:30 am sa loob ng kaniyang kotse na nakapa­rada sa Barangay La Torre sa bayan ng Talavera.

Dagdag ni Rosete, nakita ng isang katrabaho si Bar­roga sa likod ng kaniyang kotse.

Pinamunuan ni Barroga, 55 anyos, ang mga gawaing may kaugnayan sa infor­mation technology ng Phil­Rice sa pangunahing tang­ga­pan nito sa bayan ng Muñoz, Nueva Ecija.

Kapatid si Barroga ni Serlie Jamias, vice chancel­lor for community affairs ng University of the Philippines Los Baños (UPLB).

Ang PhilRice ay isang attached corporation ng Department of Agriculture, na may sangay sa Los Baños, Laguna.

Ayon kay Rosete, walang palatandaang pina­hi­rapan o sinaktan si Bar­roga dahil walang nakitang sugat o pasa ang mga pulis.

Gayonman, sisiyasatin pa rin ng Scene of the Crime Operation (SOCO) ang bangkay ng biktima sa kahilingan ng kaniyang pamilya.

Ayon sa isang katraba­ho na tumangging magpa­kilala, huling nagkaroon ng komunikasyon si Barroga sa kanila at sa kaniyang pamilya sa pagitan ng 3:00 at 4:00 ng hapon noong Lunes, 23 Setyembre.

Pinamamahalaan ni Bar­roga, isang UPLB alumnus at dating PhilRice deputy executive director for administration, ang Future­Rice program ng PhilRice, isang 5-hek­taryang sakahan sa Nueva Ecija na nagsi­silbing test­bed ng mga IT program ng PhilRice.

Nakatanggap din si Barroga ng Pagasa Award mula sa Civil Service Commission noong 2018.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …