Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trahedya sa Boracay… 7 ‘paddlers’ nalunod sa tumaob na dragonboat

NALUNOD ang pitong pad­dler na miyembro ng Bora­cay Dragon Force, nang pasukin ng tubig ang sinak­yan nilang bangka sa ham­pas ng malakas na alon sa bayan ng Malay, lala­wigan ng Aklan kahapon ng umaga, Miyerkoles, 25 Setyembre.

Nabatid na 21 miyembro ng Boracay Dragon Force ang sakay ng bangka nang tumaob, 200-300 metro ang layo mula sa dalampasigan ng Barangay Manoc-Manoc bago mag-8:00 ng umaga.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) na si Capt. Armand Balilo, matapos ang search and rescue operations, pito katao ang kompirmadong binawian ng buhay habang 14 miyembro ang nakaligtas, kabilang ang Russian at Chinese nationals.

Tinitiyak ng Coast Guard na ang dalawang dayuhan ay bahagi ng koponang naka-base sa Boracay.

Lumabas sa imbesti­gasyon, kasalukuyang nag-eensayo ang dragon boat team sa laot nang hampasin sila ng malalaking alon na naging sanhi ng pagtaob ng bangka.

Ayon kay Aklan Acting Municipal Mayor Frolibar Bautista, maliit na bangka ang gamit ng grupong nag­sa­sanay na naghahanda para sa sasalihang inter­national competition sa Taiwan.

“Maalon at saka nakita ko sa picture na maliit lang ang dragon boat nila. Malakas ang alon at maliit lang, may tendency talagang mag-capsize. At rocky ang area. Ang daming injuries, inflicted wounds pagkatapos tumama sa bato,” pahayag ng acting mayor.

Patuloy ang imbes­tigasyong isinasagawa ng Philippine Coast Guard kaugnay ng naganap na sakuna.

“Dragon boat team ito, ang assumption ay magaling silang lumangoy. That’s why we are going to look into the circumstances of the incident,” ani Bautista.

Ilalabas ang pangalan ng mga biktima – tatlong babae at apat na lalaki– pagkatapos ng 24 oras, o kaya ay kapag nasabihan na ang kanilang mga kamag-anak.

Samantala, nagpahayag ng pakikiramay at simpatiya ang Philippine Dragon Boat Federation (PDBF), ang national sports organization sa bansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …