Saturday , November 16 2024

Evangelista ng PMA pinuri ng Palasyo sa resignasyon

KAPURI-PURI ang pagpapakita  ng delicadeza ni Lt. Gen. Ronnie Evangelista nang magbitiw bilang superintendent ng Philippine Military Academy (PMA) matapos mamatay si 4th Class Cadet Darwin Dormitorio dahil sa hazing.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tamang hakbang sa gitna ng pagsisimula ng ikakasang imbestigasyon sa insidente ang pagre-resign ni Evangelista.

“We welcome this development as a right step towards upholding the integrity of the PMA as the country’s premier military institution and recognize the same as a form of genuine deli­ca­deza on the part of Lt. Gen. Eva­ngista,” ani Panelo.

Kaugnay nito, tiniyak ni Panelo na walang whitewash na maga­ganap kasabay ng pahayag na maipag­kakaloob ang kaukulang hustisya para sa pagkamatay ng plebo.

Kahapon ay matatandaang nagpahayag ng paniniwala si Panelo na kailangan mag-resign si Evanglista dahil sa “command responsibility” kasunod ng nangyari kay Dormitorio.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *