Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Martial law’ magsasalba ng demokrasya — Palasyo

ITINUTURING ng Pala­syo ang pagdedeklara ng batas militar ay isang kasangkapan para mai­salba ang demokrasya sa Filipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagiging masama ang martial law kapag hinaluan ito ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao.

“Those who perceive that a declaration of martial law is anti-democratic is oblivious of the fact that its application is precisely the very tool to save the exercise of democracy. It is only when it is clothed with abuse by its enforcers that it becomes ob­noxious,” sabi ni Panelo sa kalatas hinggil sa ika-47 anibersaryo ng martial law na idi­neklara ni dating Pangu­long Fe­rdinand Marcos.

Iginiit ni Panelo, nag­takda ng disiplina sa mga mamamayan ang Marcos martial law at naging matagumpay sa pag­sug­po sa paglakas ng com­munist insurgency sa bansa.

Ang pahayag ni Panelo ay taliwas sa mga ulat na lalong lumakas at yumabong ang kasapian ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) noong panahon ng Marcos martial law.

Aminado si Panelo na may mga nakaranas ng “traumatic experiences” sa panahon ng Marcos martial law kaya hini­mok niya ang mga ma­ma­ma­yan na matuto sa naging karanasan at gawin iyong giya sa kasalukuyan.

“Relative to our quest to strengthen the Republic and its institutions, the Palace urges everyone to look at the past to guide us on what to do with the present, that it may serve us better in the future,” dagdag ni Panelo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …