Wednesday , December 25 2024

Sigaw ng bayan: Leni panalo, Marcos talo

MAS pinaiigting pa ng mga batayang sektor ang pagpapahayag nila ng suporta para kay Vice President Leni Robredo sa gitna ng protestang inihain ni Bongbong Marcos laban sa kaniya.

Panawagan ng iba’t ibang sektor sa Korte Suprema, na nagsisilbing Presidential Electoral Tribunal, tapusin sa lalong madaling panahon ang kasong walang basehan.

“VP Robredo, tunay na panalo!” sigaw ng mga grupo, na pinangunahan ng Bantay Nakaw Coalition, nang magtipon-tipon sila sa harap ng Korte Suprema sa Maynila nitong Martes, 17 Setyembre.

Giit nila, dapat nang maresolba ang kaso ngayong nakita sa initial recount na mas dumami pa ang boto para kay Robredo, sa tatlong probinsiyang pinili mismo ni Bongbong para patunayan ang alegasyon niyang nagkadayaan noong halalan ng 2016.

Kabilang sa mga nagpahayag ng suporta sa isinagawang pagtitipon sa Padre Faura ang dating Commission on Human Rights chair na si Etta Rosales.

“Nandito tayo para sa katotohanan — katotohanan na ang boto ni Leni Robredo ay lalong lumamang pa, lalong dumami pa sa Negros Oriental, Iloilo, at Camarines Sur,” aniya.

“Nandito tayo bilang kinatawan ng mga mamamayan na talagang tunay na umaasa na ang katotohanan ay lalabas na,” dagdag niya.

Nagpahayag rin ng suporta ang iba’t ibang mga sektor na tumulong maiangat si VP Robredo sa pagkapanalo noong 2016.

“Tuloy-tuloy na pakikipaglaban, tuloy-tuloy na pagsuporta sa tunay na panalo,” ani Kilos Maralita lead convenor Manny Manato. “Ang Supreme Court ay hindi dapat mayanig sa mga paandar ni Marcos. Hindi po tayo magpa­padala. Ang Bise Pre­sidente ng Republika ng Pilipinas ay walang iba kundi si Leni Robredo.”

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *