Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kontrobersiyal na ex-warden bagong BuCor chief

ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte si Gerald Bantag bilang bagong director ng Bureau of Corrections (BuCor) kapalit ng sinibak na si Nicanor Faeldon.

Sa kalatas ni Pre­sidential Spokesman Sal­vador Panelo, ang paghi­rang kay Bantag ay bun­sod ng kanyang “profes­sional competence and honesty.”

“The Palace is behind the President’s decision and is confident that DG Bantag will continue the Administration’s cam­paign against corruption as he spear­heads reform initiatives in the Bureau,” ani Panelo.

Matatandaan, noong Parañaque jail warden si Bantag ay naging kontro­bersiyal nang makasuhan ng 10 counts of murder dahil nagkaroon ng pag­sabog ng granada sa loob ng Parañaque City Jail na ikinamatay ng 10 preso  na sina Jacky Huang; Yonghan Cai, kapwa Chinese nationals at may kasong droga; Waren Manampen; Ro­nald Dom­dom; Rodel Dom­dom; Danilo Pineda; Joseph Villasor; Oliver Sarreal; Jeremy Flores at Jonathan Ilas.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …