Tuesday , July 29 2025

‘Garcia Law’ isinusulong sa Senado

NAKATAKDANG ding­gin ng Committee on labor, employment and human resources develop­ment ang Senate Bill No. 294, o ang “An Act Providing for Occupational Safety and Health Standards (OSHS) for the Workers and Talents in the Movie and Television Industry,” na mas kilala sa tawag na “Eddie Garcia Bill.”

Ang panukalang batas na isinumite ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr., ay naglalayong mabigyan ng proteksiyon ang movie at television workers sa bansa na magpupuno sa RA No. 11058 o ang “An Act Strengthening Compliance with OSHS and Providing Penalties for Violations Thereof” sa ilalim ng Labor Code of the Philippines, at ma-institutionalize ang Labor Advisory No. 4 s. 2016 na sasakop sa working condition ng movie at television industry na inilabas ng DOLE.

Sa ilalim ng panu­kalang batas ni Revilla, magkakaroon ng tiyak na kondisyon ng trabaho, katulad ng bilang ng oras ng trabaho, waiting time, transportation, accom­modation, social welfare benefits  tulad ng PAGIBIG, Philhealth, SSS, at iba pa na estriktong ipatutupad.

Kailangan din sa titi­yakin at lilinawin ang duties at responsibilities ng isang producer, tulad ng kasiguruhan ng work­ers at talents, kaukulang health insurance and compensation para sa work-related injuries, pagkakasakit o kama­tayan.

Nakapaloob din sa naturang batas, na ang production safety officer ay itatalaga upang masi­guro na maipatutupad ang OSHS sa bawat pelikula o show na isasa­gawa at magkakaroon din ng orientation at training ng mga manggagawa sa occupational safety and health, ipatupad ang ligtas na pagtatrabaho, itama ang hindi ligtas na kondisyon, at siguruhing maimbestigahan ang pinangyarihan ng insi­dente kung mayroon man.

Isinunod ni Revilla ang panukalang batas bilang pagkilala sa showbiz legend na si Garcia na namatay noong nakaraang 20 Hunyo matapos mawalan ng malay sa loob ng 12 araw dahil sa neck injury nang madisgrasya sa isang taping ng teleserye.

(CYNTHIA MARTIN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

PNP Nicolas Torre III Baste Duterte

C/PNP Torre excited sa charity boxing vs Baste Duterte

BUONG TIKAS na sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Nicolas Torre III na …

072625 Hataw Frontpage

Kahit sinong voter o taxpayer maaaring kumuwestiyon
4TH TERM SA KAMARA NG MISIS NI SPEAKER ROMUALDEZ DELIKADONG ‘PRECEDENT’ – ATTY. MACALINTAL

HATAW News Team HINDI lamang political opponents, kundi kahit sinong registered voter o taxpayer ay …

Jose Antonio Ejercito Goitia Liza Araneta Marcos

GOITIA BINANATAN ONLINE BLOG NA IDINADAWIT SI FIRST LADY
“Trahedya ‘wag gamitin bilang sandata sa politika.”

MARIING kinondena ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na kilalang civic organizations, …

AFAD

Association of Firearms and Ammunition Dealers of the Philippines, Inc.
AFAD kaagapay ang gobyerno sa responsableng pagmamay-ari ng baril, Suporta sa Philippine shooting team

ASAHAN ang mas masigla at progresibong industriya ng baril sa hinaharap dahil  sa suporta ng …

Online Betting Gambling

Bans don’t work: Like liquor, gambling won’t disappear even if prohibited

As calls to ban online gambling grow louder, longtime liquor retailers are reminding policymakers of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *