Wednesday , December 25 2024

Highest attendance sa Kamara sa liderato ni Speaker Cayetano naitala ngayong 18th Congress

NAITALA ang pinaka­mataas na numero sa pagdalo ng mambabatas nang magbukas ang 18th Congress nitong 22 Hulyo 2019, hanggang 10 Se­tyembre, na umabot sa 247 kongresista ang pu­ma­sok para sa kabuuang 18 session days.

Ang mataas na nu­mero ng dumalo ay unang pagkakataon, historic at pruweba ng determina­syon at pagi­ging maka­bayan ng ating mga mam­babatas sa pangunguna at paggabay ni Speaker Alan Peter Cayetano.

Ayon kay House Deputy Speaker Neptali Gonzales II, isang bati­kang mambabatas na nahalal na Majority Leader noong 16th Congress, hinahangaan niya ang mga kapwa niya kongresista sa House sa kanilang ipinapakitang dedikasyon sa tungkulin matapos lumabas ang mataas na attendance record.

“I have been a mem­ber of several Congres­ses, and I am truly elated by the record attendance of House Members of the 18th Congress led by Speaker Cayetano. The high attendance of our colleagues reflects their discipline, hard work, deep passion and great interest to serve the people and enact priority laws that will give them a safe and comfortable life,” wika ni Gonzales.

Saad ni Gonzales, sa kabila na maraming holi­days nitong nakaraang buwan, minabuti ng mga halal na mambabatas na dumalo sa Kamara at magtrabaho imbes mag­bakasyon nang mahabang araw na walang pasok.

Patunay nito ang House record na may pinakamataas na atten­dance na umabot sa 266 attendees sa roll call na ginanap noong 13 Agos­to, ang araw na ginu­gunita ng bayan ang Eid al-Adha holiday, at ang 259 attendees noong 27 Agosto, ang araw mata­pos ang selebrasyon ng National Heroes Day.

Sa matibay na pre­sensiya ng majority ng mga kongresista, nagawa ng House na talakayin nang mahusay ang bud­get briefings para sa General Appropriations Bill (GAB) para sa 2020, sa antas ng Committee on Appropriations.

Dahil dito ay nabig­yang daan ang mga hearing na ginawa sa maikling panahon, na nagresulta sa pagpasa ng tatlongj pinakaaa­ba­ngang priority measures sa pangatlo at huling pag­basa.

Nakatakda rin lagpa­san ng House ang sariling deadline na kanilang itinakda para sa pagpasa ng GAB bago ang recess ng Kongreso sa 4 Oktu­bre.

Binigyang kredito ni Gonzales si Speaker Cayetano sa malakas at maayos na pamamahala na naitakda ang mga schedule ng House of Representatives at naging mabilis ang pagkakamit ng legislative agenda at mga prayoridad.

“Speaker Cayetano is a working Speaker, ad­ministratively and legislatively. He is very hands on. He makes sure that all committees, especially the important and big ones, are handled by qualified House Mem­bers. He can’t be influenced by a recom­mendation simply be­cause of party entitle­ment,” wika ni Gonzales.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *