Thursday , June 4 2026
MMDA

Para sa paglilinis ng obstruction sa kalsada… MMDA nagpasaklolo sa LGU at pulisya

NANAWAGAN ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa barangay officials, kalapit na police station at Police Community Precinct (PCP) na tumulong sa pagmamantina ng kaayusan laban sa mga obstruction at illegal vendors sa kanilang nasasakupan lugar.

Sinabi ni MMDA Task Force Special Operation Head Memil Rojas, dapat may nagbabantay na barangay official sa mga nalinis na ng MMDA para hindi na makabalik ang illegal parking at illegal vendors sa mga lugar na nilinis na ng ahensiya.

Ayon kay Rojas, halos araw-araw silang nagsasagawa ng paglilinis sa Metro Manila pero tila wala pa rin disiplina ang ilang mamamayan partikular sa Taft Ave., Libertad, at Baclaran sa lungsod ng Pasay.

Dagdag ng opisyal, kaila­ngan umanong tumulong ang barangay officials at pulisya sa pagmamantina ng kaayusan sa kanilang lugar laban sa obstruc­tions sa mga pangu­nahing kalsada.

Kailangan umanong tumulong ang lokal na pamahalaan ng Pasay at gawin ang mandato ni Pangulong Rodrigo Duterte upang magamit nang maayos ang kalsada at bangketa ng publiko.

Nauna nang nagbigay ng 60 days ang DILG sa mga lokal ng pamahalaan sa Metro Manila para linisin at tanggalin ang mga obstruction sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …