Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

7th medical mission ni Ahwel Paz, matagumpay

MATAGUMPAY na naidaos ang ikapitong taon na medical mission ni Ahwel Paz ng DZMM para sa mga miyembro ng media na ginanap nitong nakaraang Linggo, September 1. Ginanap ito sa De Los Santos Medical Center sa E. Rodriguez, Quezon City.

Dinaluhan ito ng mga showbiz reporter at editors ng iba’t ibang dyario na malaki ang pagpapasalamat sa libreng gamutan mula sa nasabing hospital na isa sa mga sponsor ng project ni Papa Ahwel.

Sa aming interbyu, nasabi ng showbiz anchor ng DZMM na naging inspirasyon nito ang kanyang mga kasamahan sa media na nagkasakit na hindi man lang nadala sa hospital.

Talagang nagkusang kausapin ni Papa Ahwel ang kanyang mga kaibigan na alam niyang makatutulong sa problema ng mga kasamahang taga-media. Paisa-isa nitong nilalakad ang paghahanap ng sponsors hanggang nakapagsimula siya noong 2012 na ginanap sa Dong Juan Resto sa may Mother Ignacia.

Tiyaga at determinasyon ang kanyang baon kaya hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang taunang medical mission na isa sa mga proyekto ng kanyang I Love My Family Foundation. 

Aniya, may iba pa siyang pinagkaka-abalahang proyekto na nasa iba-ibang probinsiya na bahagi ng kanyang foundation.

Suportado siya ng kapwa nitong taga-DZMM na si Julius Babao at mga doktor ng Delos Santos Medical Center sa pangunguna ni Mr Raul Pagdanganan, president and CEO, Dr Jessica Dee ng Ideal Vision, AXA Life Insurance, at Fernando’s Bakershop. 

Mabuhay ka Ahwel Paz, may your tribe increase!

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Datu

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …