Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Faeldon sinibak ni Digong

SINIBAK ni Pangulong Rodrigo Duterte si Nicanor Faeldon bilang hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) dahil sa kontrobersiyal na pagpirma sa release order ni convicted rapist killer at dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Iniutos ng Pangulo ang imbestigasyon sa pagpapalaya ng BuCor sa 1,700 convicted criminals alinsunod umano sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law maging ang komite na humahawak sa kanilang kaso.

Kasama rin sa sisi­yasatin si Sen. Ronald dela Rosa na dating BuCor chief at may pinalayang 300 convicted criminals sa ilalim ng GCTA.

Nanawagan si Pa­ngu­long Duterte sa 1,700 pinalaya sa ilalim ng GCTA na sumuko sa pulis o militar at magpa-recompute ng kanilang sentensiya sa Department of Justice (DOJ).

Nagbabala ang Pa­ngulo sa mga hindi susu­ko na idedeklara silang pugante at maaaring mapaslang kapag nanla­ban sa mga awtoridad.

Hindi muna sinabi ng Pangulo kung sino ang ipapalit kay Faeldon.

Inatasan ng Pangulo sina Justice Secretary Menandro Guevarra at Interior Secretary Eduar­do Año na repasohin ang implementing rules and regulations (IRR) ng GCTA law.

ni ROSE NOVENARIO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …