Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Naunang forecast ni Digong pabor sa Italy hamon sa Gilas Filipinas (Duterte, Jinping ‘buddies’ sa FIBA ngayong gabi)

BEIJING – Gawin ang lahat ng makakaya para manalo.

Ito ang mensaheng ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa team Gilas Pilipinas kaugnay ng kanilang laban sa koponan ng Italy bukas sa Guanzhou, Guangdong Province.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat magsilbing hamon sa Team Gilas ang unang naging pahayag ng Presidente na matatalo ng Italy ang ating koponan.

Magsilbi rin aniyang inspirasyon ang naka­takdang panonood ng Presidente sa laban ng Gilas Pilipinas at mula doo’y patunayang mali ang forecast ng Pangu­long Duterte na yuyuko ang ating basketball team sa team ng Italy.

Naniniwala si Panelo, malaki ang magagawa ng presensiya ng Pangulo sa nakatakdang laro ng Gilas upang magwagi sa makakalabang team bukas.

(ROSE NOVENARIO)

Duterte, Jinping ‘buddies’ sa FIBA ngayong gabi

BEIJING — Magkasa­mang dadalo sa FIBA Basketball World Cup 2019 Opening Ceremony sa National Aquatic Center sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping ngayong 8:00 pm.

Mauunang dada­luhan ng Pangulo ang Philippine – China Business Forum sa Grand Hyatt Hotel dakong 5:00 pm.

Haharapin ng Pangu­lo ng construction dele­gates sa naturang hotel matapos ang kanyang pulong kay Chinese Prime Minister Li Keqiang.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …