Monday , December 23 2024
ping lacson

Kapag liderato ay na-wipe-out… ‘Reserbang pangulo’ ng PH kailangan — Ping

IPINANUKALA ni Sena­dor Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng ‘reserba’ pang lider ng bansa sakaling mapa­hamak ang Bise Presidente, Senate President at House Speaker na batay sa Saligang Batas ay kahalili ng Pangulo kung hindi na kayang mamuno.

Isinampa ni Lacson ang Senate Bill 982, na tinaguriang “Designated Survivor” bill na nagla­layong hindi mabakante ang liderato ng pama­halaan at magtuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng gobyerno sakali mang mapahamak ang mga nabanggit na opisyal.

“This bill… seeks to provide an exhaustive line/order of presidential succession in the event of death, permanent dis­ability, removal from office or resignation of the Acting President to ensure that the office of the President is never vacated even in excep­tional circumstances,” paliwanag ni Lacson.

Ang panukalang batas ay bunga rin ng patuloy na pagtaas ng banta ng terorismo sa iba’t ibang panig ng mundo, mga kalamidad at ‘exceptional circum­stances’ na maaring magbunga para hindi magampanan ng Bise Presidente, Senate Pre­sident at House Speaker ang responsibilidad na minana sa pinalitang Presidente.

Sa ilalim ng panu­kala, tatlo ang kalipi­kadong mamuno sa pamahalaan sakali mang hindi na umubra ang nasa pinakamataas na posi­syon sa pamahalaan: Pinakabeteranong mi­yem­bro ng Mataas na Kapu­lungan batay sa haba ng taon ng paninil­bihan bilang senador; pinaka­betera­nong mi­yem­bro ng Maba­bang Kapulungan na may pinakamahaba ring taon sa serbisyo bilang congress­­­­­man; miyembro ng Gabinete na inatasan ng Pangulo.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, nasa linya ng presidential succession ang Bise Presidente, Senate President, at House Speaker. Naka­saad din sa panukalang batas na kapag ang lahat ng mata­as na lider ng bansa ay nasa isang pagtitipon, dapat may inatasan ang Pangulo na nakahandang pamalit sa kanila, at nakatago sa isang ligtas na lugar para mamuno sa bansa saka­ling silang lahat ay mapa­hamak nang sabay-sabay.

“In the event of an extraordinary circum­stances resulting in the death or permanent disability of the President, Vice President and the officials mentioned… the designated member of the Cabinet shall act as President,” saad sa panukala.

Matitigil ang pagga­nap bilang pinuno ng pamahalaan ng Acting President, 90 araw mata­pos maluklok sa puwesto ang bagong Pangulo.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *