Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nueva Ecija Gov. Umali, sinibak na opisyal, bitbitin palabas ng opisina — DILG

INATASAN na ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang PNP Region 3 at ang Nueva Ecija provincial director na bitbitin palabas ng kanilang opisina ang lahat ng mga suspendido at nasibak na local executives, kabilang si Nueva Ecija Governor Aurelio Umali, na una nang hinatulang masibak ng Office of the Ombuds­man dahil sa kasong katiwalian.

Sa inilabas na memo­randum ng PNP National Headquarters mula sa Camp Crame, may petsang 22 Agosto 2019 at pirmado ni P/BGen. Emmanuel Licup ng Directorate for Ope­rations, pinakilos nito ang lahat ng regional directors at mga provincial chief sa buong bansa na ipatupad sa lalong madaling pana­hon ang desisyon ng Ombudsman.

Sinabi sa memo­randum na ilabas sa opi­sina ang lahat ng opisyal ng lokal na pamahalaan na inalis sa puwesto sa pamamagitan ng pinal na desisyon ng Ombudsman tulad ng dismissal at perpetual disquali­fication kay Governor Umali at sa iba pang halal na opisyal noong May 2019 elections.

Sa desisyon noong 14 Nobyembre 2016, sinabi ng Ombudsman na napatunayang guilty si Umali at ang Agriculture Regional executive director na si Renato Mantan ng paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act matapos bumili ng liquid fertilizer na overprice gamit ang pork barrel habang siya ay kongres­man pa.

Aabot sa 7,920 bottles ng liquid fertilizer ang binili sa halagang P1,500 bawat bote o P12 milyon ngunit napatunayan sa imbestigasyon na P150.00 lamang pala ang presyo nito kada isa.

Bukod sa pagpapa­tanggal bilang gober­nador, kasama rin sa November 14, 2016 decision na pirmado ni Graft Investigator and Prosecutor Karla Maria Barrios ang perpetual disqualification o pagba­bawal kina Umali at Ma­nan­tan na makahawak ng posisyon sa gobyerno habambuhay.

“In this regard, forwarded is the copy of the above-mentioned directive to ensure that it carried into effect and to cause the appropriate action in case of the defiance of all concerned including but not limited to preventing suspended/dismissed official from reporting to office, effecting the bodiy removal of those who will insist of reporting to office and padlocking the office when his successor refuses to use the same,” saad sa memorandum.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …