Saturday , November 16 2024
MMDA

Baseco sinuyod ng MMDA para linisin sa obstruction

MAAGANG nagsimula ang mga tauhan ng MMDA ng  kanilang clearing operations sa Baseco sa Port Area, Maynila, kahapon.

Ilan sa mga kinompiska at inalis na sagabal ang mga kariton, bakal, bakod, trapal at kahoy na pinagsisilungan o taguan ng mga personal na bagay.

Hindi rin pinalagpas ang mga kariton ng sorbetes, bisikleta at pedicabs na isinampa o hinila ng towing trucks.

Ayon kay MMDA Task Force commander Memel Roxas, layon nila na malinis sa lahat ng uri ng mga sagabal para mapaluwag ang daloy ng trapiko at madaanan ng mga tao ang bangketa.

Tatlong barangay sa Baseco ang tinarget ng MMDA na linisin kahapon.

Hindi na pumapalag ang mga may-ari ng mga kinokompiskang gamit dahil may kasamang mga pulis-Maynila ang nagsasagawa ng clearing operations.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *