Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

May-ari ng bodega ng hot meat kakasuhan

IPINAAASUNTO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­goso ang ilang indibidwal na nasa likod ng pag-iimbak, pagbebenta at distribusyon ng hot meat sa Maynila.

Sa pahayag ng alkalde, ipinag-utos niya sa hepe ng City Legal at Business Permits and Licensing Office na ihanda ang kaso laban sa mga nasabing indibidwal o grupo.

Pananagutin din aniya ang mga may-ari ng mga paupahang apart­ment at lumang bahay na ginamit na bodega at taguan ng mga hot meat na mula pa sa China at ilegal na ipinasok sa bansa.

Dagdag ng alkalde, ipasusuri rin sa city building official ang nasabing mga paupahan dahil napag-alamang walang mga lisensya o permit nang inspek­siyonin sa pangunguna ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna.

Mensahe ni Moreno sa publiko, nais ng pama­halaang lungsod ng Maynila na mapanatiling malinis at ligtas ang karneng ibinebenta sa mga merkado sa lungsod upang maproteksiyonan ang mga mamimili at mamamayan sa buong lungsod.

Ang kautusan ni Moreno, kasunod na rin ng ginawang pagsalakay at pag-inspeksiyon ng bise alkalde kasama ang MPD-PS 1 sa pangu­nguna ni P/Lt Col. Reynaldo Magdaluyo, Veterinary Inspection Board (VIB), Department of Public Safety (DPS) sa siyam na bodega sa Juan Luna St., sa Tondo at sa Binondo nitong Lunes ng hapon na nadiskubre at nasamsam ang nasa mahigit P20-M frozen hot meat o nasa 15.6 tonelada na aabot sa 15,659.78 kilos.

Ayon kay Moreno, epekto ito ng kanyang  mission order sa VIB na bumuo ng Special Enforce­ment Squad na kanyang nilagdaan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …