Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

‘Mandurukot’ sa bus timbog sa sigaw ng ninakawang flight attendant

TIMBOG ang isang tricycle driver nang dukutin sa bag ang mamahaling cellphone ng isang US citizen  sa loob ng pampasaherong bus sa Makati City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, ang naarestong sus­pek na si Mark Pangilinan, 27, binata, tricycle driver, ng Matimyas Street, Sampaloc, Maynila.

Samantala ang biktima ay kinilalang si Laila El Sayeh y Mamoud Farouk Fouad, nasa hustong gulang, dalaga, isang US Citizen, flight attendant, residente sa Guadalupe Bliss Bldg., Barangay Cembo, Makati City.

Sa ulat, nabatid na nangyari ang pandurukot sa loob ng isang public utility bus (PUB) sa panulukan ng Buendia Avenue at Dian St., Bgy. San Isidro sa nasabing lungsod, dakong 2:30 pm.

Umupo ang suspek sa tabi ng dalaga nang mabisto ng biktima ang ginawang pagdukot ni Pangilinan sa iPhone XS mula sa loob ng kanyang shoulder bag.

Agad tumayo ang sus­pek at tumakbong lumabas ng bus.

Nagsisigaw sa paghingi ng tulong ang biktima na nakatawag ng pansin sa mga nagpapatrolyang pulis na sina Cpl. Roderick Perez at Cpl. Nikko Aliasas kaya hinabol nila ang papatakas na suspek na agad nilang nasakote.

Nabawi ang ninakaw na cellphone ng suspek at nakompiska ang isang improvised bladed weapon na sirang gunting, may habang 7.5 pulgada.

Sasampahan ang sus­pek ng kasong theft (pickpocket) at paglabag BP 06 sa Makati Prosecutor’s Office. (JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …